Ely Buendia, Jericho Rosales hinarana mga Bikolano sa Bicol Loco Festival

Sulit ang pagod at punta ng mga dumayo sa ikalawang gabi ng Bicol Loco Festvial sa Old Legazpi Airport matapos silang haranahin ng mga singer na sina Ely Buendia at Jericho Rosales.

Sulit ang pagod at punta ng mga dumayo sa ikalawang gabi ng Bicol Loco Festvial sa Old Legazpi Airport matapos silang haranahin ng mga singer na sina Ely Buendia at Jericho Rosales.

Sa mga larawang ibinahagi ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, makikita kung paano pinasaya ng dalawa ang mga Bikolano.

Sumikat si Buendia bilang bokalista ng bandang Eraserheads, na umawit ng mga kantang ‘Ang Huling El Bimbo’, ‘Magasin’, at ‘Spoliarium.’

Samantala, ilan sa mga sikat na kanta ni Rosales ang ‘Pusong Ligaw’, ‘Beautiful in my Eyes’, at ‘Hardin.’

“Ely Buendia of Eraserheads delivered an absolutely rocking performance and Jericho Rosales was a show stopper! A night to remember for sure,” saad sa FB page ni Co.

Noong unang gabi ng Bicol Loco Festival ay sina Sarah Geronimo at Bamboo naman ang nagpasaya sa mga Bikolano.

Magtatapos ang akbitibad sa Mayo 5.