Eleksyon na ba? Cameo ni Benhur Abalos sa ‘Black Rider’ binatikos online

'Di nakaligtas sa pang-ookray ng mga netizens ang paglabas ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa GMA TV series na 'Black Rider'.

‘Di nakaligtas sa pang-ookray ng mga netizens ang paglabas ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa GMA TV series na ‘Black Rider’.

Nag-cameo bilang kalihim mismo ng DILG si Abalos sa TV series na umere noong May 30.

Kasama ni Abalos si Raymart Santiago na may karakter na si “Chief Ricarte” para sa anti-illegal drug operation kung saan maraming acting scene na may hawak na baril ang DILG secretary.

Naumay tuloy ang ilang netizens sa ginawang acting ni Abalos at sinabing gusto lamang ng kalihim ng exposure dahil tatakbo ito sa posisyon sa 2025.

“Mukhang tatakbo ito sa senado, need ng public appearance hehe,” sabi ng isang netizen.

“Parang meron s’yang “malinis ako” aura na pinipilit ipalabas. ‘Di naman magaling mag acting,” komento pa ng isa.

“Simple. It’s called, preparing for the midterm elections. Tatakbong senador daw yan ‘di umano,” hinuha ng isang netizen.

“Kakandidato yan, gusto ng exposure eh,” dagdag pa nito.

PANOORIN: