Electrician, nakuryente sa Camarines Norte

Namatay ang biktima at isa pang kasamahan nito sa kanilang kinukumpuni na bahay

CAMARINES NORTE- Patay ang isang electrician at ang kasamahan nito sa trabaho matapos makuryente sa inaayos na bahay sa Sitio Butirok, Purok 6, Barangay Sta. Rosa Norte, Jose Panaganiban, Camarines Norte.

Kinilala ang mga biktimang sina Jerry Lu y Mendoza, 26-anyos, electrician at residente ng Barangay Exciban at Rodolfo Concepcion Jr. y Rojo, 36-anyos ng Barangay Mangsakay, Paracale.

Sa impormasyon, naapakan ni Lu ang live wire na konektado sa breaker ng inaayos na bahay na nauwi sa kanyang pagkakakuryente.

Sinubukan din diumano siyang sagipin ni Concepcion pero siya ay nakuryente rin.

Sa tala ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDDRMO), ito na ang ikalawang insidente ngayong taon sa naturang bayan kung saan may binawian na ng buhay dahil sa pagkakakuryente.