El Niño sa ‘Pinas humuhupa na – PAGASA

Tanaw na ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagtatapos ng panahon ng El Niño sa bansa.

Tanaw na ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagtatapos ng panahon ng El Niño sa bansa.

Ayon kay PAGASA weather specialist Benison Estareja, nasa ‘weak’ El Niño na ang nararamdaman ng bansa, at maaari na rin itong magtapos sa katapusan ng Hunyo.

“Nasa weak El Niño na po tayo at ine-expect natin na maaaring by June ay matapos na itong panahon ng El Niño,” saad ni Estareja sa panayam ng Unang Balita.

“‘Yung ating temperatures ay magiging normal o neutral na ulit,” dagdag pa niya.

Gayunman, nagpaalala si Estareja na ang mga epekto ng matinding tag-init ay magtatagal pa sa bansa.

“Subalit mayroon tayong lag effect. So ibig sabihin niyan magkakaroon ng konting delay doon sa epekto ng El Niño. Maaaring magtagal pa rin ‘yung medyo kulang na ulan hanggang sa susunod na buwan,” paliwanag pa niya.

Una nang sinabi ng PAGASA na maaaring makaranasa ang bansa ng mula isa hanggang dalawang bagyo ngayong Mayo.