El Niño, natapos na! – PAGASA

Kinumpirma ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes na natapos na ang panahon ng El Niño.

Kinumpirma ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes na natapos na ang panahon ng El Niño.

Inihayag ng PAGASA na nailagay na sa “inactive” o “ENSO-neutral” status ang kanilang El Niño Southern Oscillation Alert and Warning System habang ang tracking para sa La Niña ay patuloy na ipinatutupad.

Ayon sa PAGASA, ang El Niño ay isang “large-scale oceanographic/meteorological phenomenon that develops in the Pacific Ocean and is associated with extreme climatic variability” na nagdudulot ng malubhang pagbabago sa klima, kabilang ang matinding ulan, hangin at tagtuyot.

“DOST [Department of Science and Technology]-Pagasa announces the end of El Niño, as the conditions in the tropical Pacific have returned to El Niño Southern Oscillation (ENSO)-neutral levels. Moreover, a transition from ENSO-neutral to La Niña remains likely (about 69% chance) by July-August-September 2024 season,” pahayag ng ahensya.

Bagama’t tapos na ang El Niño, sinabi ng PAGASA na ang epekto nito, tulad ng “warmer-than-usual surface temperature and below-normal rainfall,” ay maaaring manatili pa rin sa ilang bahagi ng bansa, lalo na sa gitna ng “habagat” o southwest monsoon.

Gayunpaman, hinihikayat ng PAGASA ang publiko at lahat ng kaugnay na ahensya ng gobyerno na magbantay at gumawa ng mga pag-iingat laban sa posibleng epekto ng climate change.