Ekonomiya tuloy sa pag-ratsada sa ilalim ng Marcos admin – Romualdez

Tiwala si House Speaker Martin Romualdez na kaya ng Marcos administration na patuloy na paangatin ang ekonomiya ng Pilipinas.

Tiwala si House Speaker Martin Romualdez na kaya ng Marcos administration na patuloy na paangatin ang ekonomiya ng Pilipinas.

Kamakailan lamang ay itinaas ng Development and Budget Coordination Committee at ng National Economic and Development Authority ang kanilang growth target para sa ekonomiya ng bansa sa 6% hanggang 7%.

Kumpiyansa naman si Romualdez na maaabot ng bansa ang target na ito.

“I am confident that we can hit at least the lowest end of the target range because the economic policies and measures the President and Congress have taken and pursued are keeping us on the right track,” aniya.

“Coming from 5.6 percent, it should not be difficult for us to hit at least 6 percent this year. Our economy has been steadily expanding since President Marcos assumed office,” dagdag pa niya.

Nakikita rin ni Romualdez na maaari pang mahigitan ng Pilipinas ang nasabing target kung maisasabatas ang economic Charter change.