Ekonomiya tataas sa dagdag diskwento ng senior, PWD – Romualdez

Pinalakpakan ni House Speaker Martin Romualdez ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), and Department of Energy (DOE) na siyang nagpabilis sa hiling na taasan ang ibinibigay na diskwento ang mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs).

Ayon kay Romualdez, ang pag-apruba sa diskwento ay hindi lang tagumpay ng mga senior at PWD kung hindi ay tagumpay din ng bawat Pilipino.

“The swift action taken by these departments to increase the discounts for our senior citizens and PWDs is not just a victory for these groups but a triumph for all ordinary Filipinos,” ayon kay Romualdez.

Dagdag pa ni Romualdez, makatutulong din ang nilagdaang Joint Administrative Order para mapaganda ang ekonomiya ng bansa.

“By increasing the purchasing power of our senior citizens and PWDs, we are indirectly benefiting their families and the broader community. These savings can be redirected to other essential needs, contributing to the overall economic health of our nation,” dagdag pa nito.