Ekonomiya ng ‘Pinas rumatsada ng 5.7%

Umangat ng 5.7% ang gross domestic product (GDP) ng Pilipinas para sa unang tatlong buwan ng taong 2024.

Umangat ng 5.7% ang gross domestic product (GDP) ng Pilipinas para sa unang tatlong buwan ng taong 2024.

Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, ang paglago ng ekonomiya ay dahil na rin sa pag-angat ng iba’t-ibang sektor gaya ng finance and insurance, wholesale and retale, vehicle repair, at manufacturing.

Bukod pa rito, nakapagtala rin ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng paglago sa mga sector ng agriculture, forestry, finishing, industry, at services.

Ang naitalang pag-arangkada ng GDP sa unang quarter ng taon ay mas mataas kumpara sa 5.5% noong huling bahagi ng 2023. Gayunman, mas mababa ito sa tantiya ng pamahalaan na 6.4 percent.

Itinaas ng administrasyon sa 6-7% ang kanilang target na GDP growth rate para sa taong ito.

Sa iba pang mga datos, tumaas ng 4.6% ang household consumption sa bansa habang lumago ng 1.7% ang paggastos ng gobyerno.