Ejay Falcon inalala kanyang pagiging kargador

Nagkaroon ng emosyonal na pagtatagpo ang Oriental Mindoro Vice Governor Ejay Falcon at ang isang matandang babae na dati niyang binibilhan ng banana cue noong siya ay kargador pa lamang.

Nagkaroon ng emosyonal na pagtatagpo ang Oriental Mindoro Vice Governor Ejay Falcon at ang isang matandang babae na dati niyang binibilhan ng banana cue noong siya ay kargador pa lamang.

Ayon sa isang Facebook post ni Vice Gov. Falcon, naganap ito sa isang birthday party kung saan hintay-hintay siya ng isang lola upang personal na makausap.

“Totoy, tanda mo pa ba ako?” tanong umano ng matandang babae kay Falcon.

Pagkatapos ay ipinakilala niya ang sarili bilang si “Nanay Nene” – ang babaeng dati niyang binilhan ng sinulbot o banana cue habang siya ay nagtatrabaho bilang isang kargador sa Wawa, Pinamalayan.

Nagulat at tuwa naman si Vice Gov. Falcon nang makilala ulit si Nanay Nene. Ipinahayag ni Vice Gov. Falcon na nasubaybayan ni Nanay Nene ang kanyang pagiging istibador o kargador noon, at tuwang-tuwa sila pareho sa pagkakatagpo.

Ipinahayag din niya na ipagmamalaki niya palagi ang kanyang nakaraan bilang kargador, dahil malinis at marangal na trabaho ito.

“Kahapon, Sa isang birthday may isang lola na naghintay sa akin at hindi umuwi para daw hintayin ako, Pagdating ko bigla nya sinabi- Totoy, Tanda mo pa ba ako? Tinitigan ko sya mabuti, at sya na ang nagsabi na ‘ Ako ang binibilihan mo ng sinulbot o Banana cue sa Wawa Pinamalayan habang nagkakargador ka. Bigla ko sya niyakap at sinabi ko, Ay kayo po Nanay Nene. Tuwang tuwa po kami pareho, Nasubaybayan nya ang pagiging istibador/Kargador ko noong mga panahon na yun. Maraming salamat po Nanay Nene sa iyong mga Banana cue na alam ko yun ang isa sa nagpalakas ng aking katawan habang buhat ang Copra at mga uling

Ako po si Ejay L. Falcon- Proud Kargador,” ani Falcon sa kanyang post.