Eid’l Adha: Number coding scheme, suspendido sa Lunes

Bilang pagbibigay daan sa paggunita ng “Eid’l Adha” Feast of Sacrifice sa Lunes, Hunyo 17, sinuspende ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagpapatupad nila ng number coding scheme sa Metro Manila.

Matatandaang una nang idineklala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang regular holiday ang nasabing “Eid al-Adha” sa ilalim Presidential Proclamation No. 579 upang bigyan ng araw ang mga Pilipinong Muslim sa ating bansa na gunitain ang nasabing selebrasyon.

Samantala, patuloy na binibigyang diin ng MMDA ang pag-iingat at pagsunod sa mga batas trapiko habang bumabyahe upang mapanatili ang kaligtasan sa daan.