EDSA bus carousel palalawakin ng Marcos admin

Tangka ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawakin pa ang EDSA bus carousel bilang isa sa mga hakbang upang mapaluwag ang daloy ang trapiko sa kalakhang Maynila.

Tangka ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawakin pa ang EDSA bus carousel bilang isa sa mga hakbang upang mapaluwag ang daloy ang trapiko sa kalakhang Maynila.

Sa isang video nitong Linggo, inilatag ni Marcos ang ilang mga plano ng kanyang administrasyon upang mabawasan ang bigat ng trapiko sa Metro Manila.

“To address traffic congestion in Metro Manila, we will expand and extend routes for EDSA bus carousel; refurbishing the Pasig River stations; and constructing bridges across the Pasig River,” wika ng Pangulo.

Tiniyak din ng Pangulo na isasaalang-alang din niya ang kapakanan ng mga siklista at mga naglalakad sa kalsada.

“We will prioritize active transportation facilities including safe walkways and secured bike lanes to promote healthier and more sustainable modes of travel,” dagdag pa niya.

Kamakailan lang ay pinirmahan ni Marcos ang dalawang order kung saan ipinagbawal na niya ang ‘wang-wang’ sa gma sasakyan at binigyan ng regulasyon ang paggamit ng protocol license plates.

Bukod pa rito, inihayag ng Pangulo ang mabilisang pagkumpleto ng mga dekalidad na proyektong pang-imprastraktura.