Eddie Garcia Law, isinabatas na!

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Eddie Garcia Law o Republic Act 11996 na magsisiguro sa Karapatan ng mga manggagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon.

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Eddie Garcia Law o Republic Act 11996 na magsisiguro sa Karapatan ng mga manggagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon.

Pinirmahan nitong May 24, nakaugat ang Eddie Garcia Law sa pagkamatay ng kilalang actor na si Eddie Garcia habang nagte-taping.

Layunin ng batas na magpatupad ng tamang bilang ng oras, sahod, at iba pang benepisyo tulad ng paghuhulog sa SSS, PAG-IBIG, at PhilHealth, at tiyakin na nabibigay ng mga employers ang pangunahing pangangailangan, seguridad, at mga pamantayan sa trabaho ng mga empleyado.

“No agreement or employment contract shall discriminate against a worker who has contracts or projects with other production outfits unless exclusivity is specified in the contract, nor shall any person perform any act involving preference based on race, color, descent, national or ethnic origin, or religion, which has the purpose or effect of nullifying the recognition, enjoyment, or exercise on an equal footing of any human right or fundamental freedom,” nakasaad sa non-discriminatory provision ng batas.

Naaayon ang Eddie Garcia Law sa Labor Code ng bansa o ang inamyenduhang Presidential Decree No. 442, at sa Republic Act No. 11058 at sa iba pang naaangkop na batas.