Edad ng senior citizen nais ibaba sa 56-anyos

Tatlong mambabatas na Revilla ang naghain ng panukala na naglalayong ibaba sa 56-anyos ang edad ng senior citizen sa Pilipinas.

Tatlong mambabatas na Revilla ang naghain ng panukala na naglalayong ibaba sa 56-anyos ang edad ng senior citizen sa Pilipinas.

Ang House Bill 10157 ay inihain nina Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla, Cavite 2nd District Rep. Lani Mercado-Revilla, at AGIMAT party-list Rep. Bryan Revilla.

Layunin nito na amyendahan ang Senior Citizens Law. Sa kasalukuyang batas, ang isang Pilipino ay ituturing na senior citizen pagtungtong nito ng 60-anyos.

“While numerous policies centering on promoting the welfare of senior citizens are already in place, much is still wanting for the elderly population that are still part of the working force such as those aged in the later fifties,” saad ng mga Revilla sa panukala.

“The elderly people in the 56-59 age group are still actively working and socializing but are also tormented by degenerative illnesses. Therefore, while they are still able, let us help them live fulfilling lives by letting them enjoy the benefits of discounted goods and services, tax exemptions, and various government assistance programs,” dagdag pa nila.

Ang mga senior citizen sa bansa ay swak na sa ilang mga benepisyo gaya ng diskwento sa mga produkto at serbisyo.