Edad 28-30, median age ng mga ikinakasal sa ‘Pinas – PSA

Walang dapat ikabahala ang mga single sa Pilipinas na nasa edad 28 hanggang 30 anyos, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Walang dapat ikabahala ang mga single sa Pilipinas na nasa edad 28 hanggang 30 anyos, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Batay sa datos ng PSA na inilabas ngayong Martes, ang 28 hanggang 30 anyos ang median age ng mga ikinakasal sa bansa para sa taong 2022.

Na nasabing datos, ang average na edad ng mga ikinakasal na babae sa bansa ay 28-anyos, habang 30-anyos naman ang average na edad ng mga lalaking nagpapakasal.

Sa kabila nito, ang average na edad ng mga babaeng nagkakaanak sa unang pagkakataon ay 24-anyos.

Dagdag pa ng PSA, noong 2021 ay 29 taong gulang ang normal na edad ng mga nagpakasal na lalaki, habang 27 anyos naman para sa mga babae.

Noong 2022, umabot sa 449,428 ang mga magsing-irog na ikinasal sa bansa, mas mataas kumpara sa 356,839 noong 2021.