Economics kasi yan, sabi ni Mayor! P20 na bigas hanggang sa panaginip lang –dating Pangulong Duterte

Malabo nang mapatupad ang P20 kada kilo ng bigas dahil sa estado ng supply at demand ng buong mundo, ayon kay dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Hindi kakayanin hatakin pababa ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo dahil sa estado ng supply at demand nito sa pandaigdigang merkado, ayon kay dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Nagbabala si Duterte na maaaring sumipa pa hanggang P90 kada kilo ang bigas dahil sa iba’t ibang dahilan.

“By our standard, P20 is masyadong mababa yan (too low), and rice-producing countries have also limited the volume of rice they could export as they also do not have enough land to plant rice on. It is development, from forest to agriculture, then to commercial,” ani Duterte.

Sa pagtaya ng dating Pangulo, handa dapat malugi ang gobyerno ng P3 bilyon kada araw para makabili ito ng bigas sa mataas na presyo, at ibenta ito sa mga Pilipino sa mababang halaga para maiwasan ang pag-aklas ng mga mamamayan bunsod ng krisis sa pagkain.

Naghanda ang gobyerno ng ayuda para sa mga retailers na umaaray na sa epekto ng takdang presyo sa bigas sa bisa ng Executive Order No. 39. Ipinatupad ang takdang presyo ng bigas noong Martes, Setyembre 5.

Mamamahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng tulong sa mga retailers sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP). Ang programa ay nagbibigay ng panimulang puhunan sa mga mamamayang kwalipikado na nais mag-negosyo

Nangako rin ang gobyerno na tutugisin ang mga hoarder na iligal na nag-iimbak ng bigas para kontrolin ang presyo nito.