Economic Cha-cha pasado na sa House Committee of the Whole

Aprubado na ng Kamara de Representantes, na nagsisilbing House Committee of the Whole, ang mga nilalaman ng aamyendahing economic provisions sa pamamagitan ng Charter change.

Aprubado na ng Kamara de Representantes, na nagsisilbing House Committee of the Whole, ang mga nilalaman ng aamyendahing economic provisions sa pamamagitan ng Charter change.

Anim na araw sumalang sa deliberasyon ang Resolution of Both Houses (RBH) 7 na naglalayong baguhin ang mga economic provisions sa 1987 Constitution.

Gumawa ng mosyon si Mandaluyong City Rep. Neptali Gonzales II na aprubahan ang RBH 7.

Wala namang nag-object sa mosyon ni Gonzales, dahilan para ianunsyo ni House Majority Leader Mannix Dalipe na aprubado na sa House Committee of the Whole ang naturang resolusyon.

Sasalang pa sa plenary debates ang RBH 7, na inaasahang tatagal ng ilang araw.

Target ng mga kongresista na matapos ang pagpasa ng proposal para sa economic Charter change bago ang Holy Week break sa March 23.