Economic Cha-Cha, paguusapan ng majority bloc ni Escudero

Kasabay ng pagkatalagang bagong Senate President ni Chiz Escudero, inaasahang mapag-uusapan ng mga senador ang mga panukalang Economic Cha-Cha o pagbabago sa Saligang Batas na may kinalaman sa ekonomiya.

Kasabay ng pagkatalagang bagong Senate President ni Chiz Escudero, inaasahang mapag-uusapan ng mga senador ang mga panukalang Economic Cha-Cha o pagbabago sa Saligang Batas na may kinalaman sa ekonomiya.

Ayon kay House Majority Leader Manuel “Mannix” Dalipe, malaki ang tiwala nila kay Escudero na maisasabatas ang mga panukalang Cha-Cha, lalo na ang mga may kinalaman sa ekonomiya.

“I am optimistic that under Senator Escudero’s guidance, Congress will take positive strides toward achieving the economic constitutional reforms advocated by the President,” ani Dalipe.

“His extensive experience and proven commitment are invaluable as we endeavor to enact legislation that will benefit our country and its people,” dagdag ni Dalipe.

Samantala, dati nang ipinahayag ni Escudero ang kanyang pagtutol sa panukalang Cha-Cha at sinabi nito sa pulong-balitaan kahapon na wala siyang balak na palitan ang kanyang posisyon.

Ngunit sa panayam ngayon, sinabi ni Escudero na hindi pa niya masasabi na tuluyang namatay ang Economic Cha-Cha sa Senado sa ilalim ng kanyang pangungulohan.

Sinabi rin ni Senate President Chiz Escudero na ang mga panukala sa pagbabago sa Saligang Batas (Cha-Cha) ay pag-uusapan muna ng majority bloc sa Senado bago ito maisulong sa plenaryo.

Inaasahan naman ng mga tagasuporta ni Escudero na makakatanggap siya ng malawak na suporta mula sa kanyang mga kasamahan sa Senado para sa kanyang mga panukalang economic reforms.