Economic Cha-cha lusot na sa Kamara

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 7, na naglalayong amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution.

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 7, na naglalayong amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution.

Nakakuha ng 288 affirmative votes ang naturang panukala, habang walo ang kumontra at dalawa ang nag-abstain.

Kung magiging batas, idadagdag ang katagang “unless otherwise provided by law” sa tatlong probinsyon ng Konstitusyon.

Samantala, hindi pa tapos ang Senado sa deliberasyon para sa kanilang bersyon na RBH No. 6.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na “on track” sila sa pagpasa ng economic Cha-cha.