Easyhan niyo lang! Presyo ng bigas, hindi papalo ng P60 kada kilo—DA

Tumaas ng 19.6 porsiyento ang presyo ng well-milled rice noong Disyembre, ayon sa Philippine Statistics Authority. Pero hindi nababahala ang Department of Agriculture dahil ginagawa naman raw ng pamahalaan ang lahat upang maibaba ang presyo ng bigas sa bansa.

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na hindi na tataas pa hanggang P60 kada kilo ang presyon ng well-milled rice.

Iyan ay matapos ang 19.6 porsiyentong pagtaas ng presyo nito noong Disyembre ayon sa mga datos bng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang hindi na tumaas pa ang presyo ng bigas. Sa katunayan, nakatakda nang makipagpulong ang DIA sa mga grupo ng mgasasaka, retailers, consumer groups, at iba pang grupo upang talakayin ang panukalang suggested retail price (SRP) ng bigas.

Pansamantala, parating na ang mga inangkat ng bigas ng bansa mula India, na makatutulong upang kontrolin ang presyo ng bigas.

“The prices won’t hit [60], as long as we receive and complete the imported rice from India and other [promised] importers,” giit ni De Mesa. “We can ensure we have enough supply.”