Easy muna sa tahong! Red tide alert sa Visayas, Mindanao, pinalabas ng BFAR

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, may red time sa mga piling lugar sa Visayas at Mindanao, kabilang na ang Sapian Bay at Roxas City sa Capiz.

Dalawang linggo matapos na-detect ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang red tide sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao ay muli nanaman itong nagbaba ng red tide alert.

Ayon sa Shellfish Bulletin na inilabas ng BFAR nitong Miyerkules, Setyembre 20, may mataas na lebel ng Paralytic Shellfish Poison (PSP) sa mga sumusunod na lugar:

• Sapian Bay

• Coastal waters ng Panay

• Pilar

• President Roxas

• Roxas City in Capiz

• Coastal waters of Gigantes Islands, Carles in Iloilo

• Coastal waters of Dauis and Tagbilaran City in Bohol

• Dumanquillas Bay in Zamboanga del Sur

Dahil dito, hindi safe for human consumption ang mga tahong at iba pang shellfish na galing sa mga nasabing lugar. Gayunpaman, maaari pa ring kainin ang mga ibang seafoods basta lilinising mabuti at tatanggalan ng lamang loob, ayon sa BFAR.