Easy lang kasi sa daan! 3 patay, higit 20 sugatan matapos sumalpok ang rumaragasang bus sa Bataan

Batay sa paunang imbestigasyon, mabilis ang takbo ng pampasaherong bus na papunta sana ng Olongapo mula sa San Fernando, Pampanga. Dito na nawalan ng preno ang nasabing sasakyan, ayon na rin sa 54-anyos na drayber nito, kung kaya’t nabundol nito ang isang motorsiklo.

Isang bus na mabilis ang takbo ang nagdulot ng matinding karambola kasama ang lima pang sasakyan sa Jose Abad Santos Avenue sa Dinalupihan, Bataan nitong Miyerkules ng gabi, Enero 24.

Tatlo ang nasawi sa nasabing karambola—isang 25-anyos na babae at dalawang lalaking hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan. Higit 20 rin ang nasugatan.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Dinalupihan Municipal Police Station, mabilis ang takbo ng pampasaherong bus na papunta sana ng Olongapo mula sa San Fernando, Pampanga. Dito na nawalan ng preno ang nasabing sasakyan, ayon na rin sa 54-anyos na drayber nito, kung kaya’t nabundol nito ang isang motorsiklo.

Sunod nitong nabunggo ang dalawang tricycle at isang pampasaherong jeep.

Itinanggi naman ng drayber ng bus na nakatulog siya o nasa impluwensiya ng alak o droga.

Gayunpaman, mahaharap siya sa mga kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injuries, and damage to properties