Easy lang, ‘di pa sasabog ‘yan! Phivolcs, tiniyak na walang malaking pagsabog ang Mayon

Tiniyak ng Phivolcs na maliit ang posibildad na magkakaroon nang matinding pagsabog ang Bulkang Mayon.

Bagaman nag-aalburoto, mababa naman raw ang posibilidad na sasabog ang Bulkang Mayon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Matatandaang nakapagtala ng 34 volcanic earthquakes sa may Bulkang Mayon kamakailan lamang, pati na rin ang 144 rockfall events.

Patuloy rin nasa Alert Level 3 ang nasabing bulkan may tatlong buwan na simula nang ibaba ang babalang ito. “The parameters we are observing now are not too elevated, compared to the parameters observed in July and August,” pagitityak ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol sa isang public briefing ng Bagong Pilipinas Ngayon.

Dagdag pa ni Bacolcol, inaasahan ng ahensiya na magpapatuloy ang agos ng lava sa Bulkang Mayon, pati na rin ang tinatawag na pyroclastic density current.

Ang paghinto ng dalawang ito, ayon kay Bacolcol, ang siyang inoobserbahan ng Phivolcs para malaman kung ibababa na ba sa Alert Level 2 ang Mayon.