Easy-han niyo lang! Diplomasya isinulong ni PBBM bilang tugon sa tensiyon, security threats

Kaharap ng dumaraming security threats, ipinaalala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga world leaders ang kahalagahan ng diplomasya at paggamit ng diplomatic solutions.

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Huwebes, Setyembre 7, ang kahalagan ng diplomasya sa pagresolba sa patuloy na tensiyon sa mga bansa at sa mga security threats na palaging nakaamba.

Ipinaabot ito ni Pangulong Marcos sa kapwa niya heads of state sa kaniyang talumpati sa ika-18 East Asia (EAS) Summit in Jakarta, Indonesia, na parte naman ng ASEAN Summit na nilahukan rin ng pangulo.

Aniyo, diplomatic solutions ang kailangan laban sa mga banta sa kapayapaan at seguridad sa buong mundo.

Kabilang ang Democratic People’s Republic of Korea (DPRK), o North Korea, sa mga dumalo sa EAS Summit, at maging ito ay hinimok ni Pangulong Marcos na sumunod sa lahat ng mga resolusyon ng UN Security Council tungo sa pagsasakatuparan ng pangmatagalang kapayapaan at denuclearization ng Korean Peninsula.

“We call on all countries to play a constructive role in contributing to this endeavor, particularly our partners…,” panawagan ng pangulo.

“We maintain that endeavors by other parties to address the crisis should support and complement ASEAN’s efforts, and should be done in consultation with the ASEAN Chair.”

Matatandaang una nang hinikayat ni Pangulong Marcos ang North Korea na itigil na ang nuclear program nito.

Isinulong na rin niya sa China ang mahinahong diskusyon sa usapin sa teritoryo sa South Chine Sea.