Early bird! FL Liza nanguna sa pagbati ng Happy Father’s Day kay PBBM

Nanguna sa mga nagpaabot ng maagang pagbati ng "Happy Father's Day" si First Lady Liza Araneta Marcos kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Nanguna sa mga nagpaabot ng maagang pagbati ng “Happy Father’s Day” si First Lady Liza Araneta Marcos kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa Instagram post ni First Lady Marcos Linggo ng umaga, makikita ang mga lumang litrato ng kanyang pamilya.

Kasama sa litrato ng first couple ang mga anak na sina Congressman Sandro Marcos, Simon at Vincent.

Matatandaan na noong Abril, nagdiwang ng ika-31 wedding anniversary ang first couple sa La Union.