EARIST luluwagan na polisiya sa hair grooming

Umaksyon na ang Commission on Higher Education (CHED) para sa naging issue sa Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) tungkol sa hindi pagpapa-enroll ng mga transgender student na mahahaba ang buhok.

Umaksyon na ang Commission on Higher Education (CHED) para sa naging issue sa Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) tungkol sa hindi pagpapa-enroll ng mga transgender student na mahahaba ang buhok.

Ayon kay CHED Chairperson Prospero de Vera III, nagkasundo na ang opisyal ng EARIST at mga student leader hinggil sa mga dapat baguhin na polisiya sa paaralan.

Kasama na rito na hindi gagawing batayan sa enrollment ang haba ng buhok ng isang estudyante at rollout ng CHED ng gender sensivity workshop.

“I am happy to report that after our meeting today, both the president of EARIST and our student leaders have agreed on a set of points that they will now do moving forward. On the part of CHED, our role really is to bring groups together,” ayon kay De Vera.

Samantala, siniguro ni EARIST president Rogelio Mamaraldo na kanilang susundin ang mga napagkasunduan sa CHED.

“This is a wonderful day for us because we have set some uniform goals and objectives, wherein we will be crafting a new policy on those particular issues as discussed with the chairman and student representative and its lawyer,” lahad ni Mamaraldo.

“We will abide by the rules pertaining to that particular issue on gender sensitivity and with regards to enrollment procedure and all others that affect LGBTQ,” aniya pa.

Matatandaan na ilang estudyante ang nagprotesta matapos mag-viral ang isang video kung saan ginugupitan ng buhok ang isang trans student para lang makapag-enroll.