E walang basehan rin naman ang mga fake news n’yo! SMNI sa NTC: Walang basehan ang karagdagang suspensyon

Kapal ng mukha at tibay ng sikmura ang mga katangiang ipinamamalas ng Sonshine Media Network International (SMNI), na sa kasamaang palad ay wala sa lugar, matapos kastiguhin nito ang pagpapalawig ng suspensyon nito sa ere ng National Telecommunications Commission (NTC) matapos ang tahasang pagpapakalat ng fake news at maling impormasyon.

Patuloy ang pagmamatigas ng Sonshine Media Network International (SMNI) laban sa umanong pangigipit sa kanila ng National Telecommunications Commission (NTC) matapos palawigin pa ng ahensya ang suspensyon ng network kaugnay ng pagpapakalat nito ng fake news.

Kinastigo ng abogado ng SMNI ang karagdagang suspensyon ng network at iginiit na walang ligal na basehan ito.

“’Di kami makapaniwala sa order na ‘yun kasi walang legal basis ‘yun. We will study all possible legal remedies, including filing a motion for reconsideration,” hirit ni Mark Tolentino, legal counsel ng SMNI.

Sa isang pahayag Martes, Enero 23, sinabi ng NTC na nagpalabas ito ng kautusan noong nakalipas na linggo na nagbabawal sa SMNI mula sa pagpapatakbo ng mga estasyon nito ng radyo at telebisyon habang nagpapatuloy ang pagdinig at paghatol sa administratibong kaso na kinahaharap ng network.

Paliwanag pa ng komisyon, nakatanggap pa rin ito ng mga ulat na patuloy pa rin tong umere ng Disyembre 27, kahit na sinuspinde na ito ng 30 araw simula ng Disyembre 19.