E-trike, E-bike bawal na sa ilang kalsada sa NCR

Ipinasa ng Metro Manila Council (MMC) ang isang resolusyon na magbabawal sa mga e-tricycle at e-bicycle sa pagdaan sa ilang malalaking lansangan sa National Capital Region ngayong Miyerkoles.

Ipinasa ng Metro Manila Council (MMC) ang isang resolusyon na magbabawal sa mga e-tricycle at e-bicycle sa pagdaan sa ilang malalaking lansangan sa National Capital Region ngayong Miyerkoles.

“Ngayon pong umagang ito ay nagpasa ang MMC ng resolusyon regarding regulation ng e-trikes at other electric vehicles na pinagbabawal na po natin sa major roads na nasa jurisdiction ng MMDA,” wika ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting chairperson Romando Artes sa isang press conference.

Sa ilalim ng polisiya, hindi papayagan ang mga e-bike at e-trike sa mga sumusunod na lansangan:

• Recto Avenue
• Pres. Quirino Avenue
• Araneta Avenue
• Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA)
• Katipunan Avenue /C.P. Garcia Avenue
• Southeast Metro Manila Expressway
• Roxas Boulevard
• Taft Avenue
• South Luzon Expressway (SLEX)
• Shaw Boulevard
• Ortigas Avenue
• Magsaysay Boulevard/Aurora Boulevard
• Quezon Avenue/Commonwealth Avenue
• A. Bonifacio Avenue
• Rizal Avenue
• Del Pan/Marcos Highway/McArthur Highway
• Elliptical Road
• Mindanao Avenue

Bukod sa mga nabanggit, ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay maaari ring magdagdag ng mga kalsada kung saan nais nilang ibawal ang pagdaan ng mga e-bike at e-trike.

Ang mga lalabag sa batas na ito ay pagmumultahin ng P2,500.

Dagdag pa ni Artes, ang mga magmamaneho ng mga e-vehicle ay dapat mayroong lisensya. Mai-impound ang sasakyan ng sinumang lalabag sa patakarang ito.

Ang regulasyon sa mga e-vehicle ay magiging epektibo 15 araw matapos itong maisapubliko.