E-trike driver arestado matapos murahin ang parak

Himas-rehas ang isang e-tricycle o e-trike driver sa Tondo, Maynila matapos nitong sigawan at murahin ang isang pulis nitong Sabado.

Himas-rehas ang isang e-tricycle o e-trike driver sa Tondo, Maynila matapos nitong sigawan at murahin ang isang pulis nitong Sabado.

Kinilala ang suspek bilang si Abraham Fernandez, 31, residente ng Barangay 123 sa Tondo.

Ayon sa ulat, sinita ng isang Manila Police District personnel si Fernandez matapos nitong iparada ang kanyang e-trike sa isang no-parking zone sa kahabaan ng Juan Luna Street dakong alas-4:20 ng hapon.

Imbis na sumunod sa mga awtoridad, minura umano ni Fernandez ang mga pulis at sinigawan.

Kaya naman, dinakip ang suspek at nahaharap ngayon sa mga kasong direct assault at resistance and disobedience to persons in authority.