Duterte sa isyung kudeta vs PBBM: Magtrabaho ka, binabayaran ka namin!

"We're paying you, magtrabaho ka!"

“We’re paying you, magtrabaho ka!”

Ayan ang sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa isyung patatalsikin ng kanilang pamilya ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kamakailan kasi ay lumabas ang balita na nagpa-plano ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese communists na paalisin ang pangulo sa kanyang pwesto.

Dahil dito, nagsagawa ang Philippine National Police ng imbestigasyon upang masiguro ang kaligtasan ni Pangulong Marcos.

Sa isang press conference sa Tacloban City, sinabi ni Duterte na hindi umano siya interesado na siraan ang pangulo.

Mas dapat na aniya na pinagtutuunan ni Pangulong Marcos ang pagtatrabaho lalo pa’t binabayaran siya ng sambayanan.

“We’re paying you. Magtrabaho ka. Do not worry. Nobody is interested, or are, na tanggalin ka. It’s a waste of time,” wika nito.