Duterte itinangging tumanggap ng baril kay Pastor Quiboloy

Pinasinungalingan ni dating pangulong Rodrigo Duterte ngayong Miyerkoles ang testimonya ng isang alyas "Rene" na nabigyan siya ng mga armas ni Pastor Apollo Quiboloy.

Pinasinungalingan ni dating pangulong Rodrigo Duterte ngayong Miyerkoles ang testimonya ng isang alyas “Rene” na nabigyan siya ng mga armas ni Pastor Apollo Quiboloy.

Si Rene ay lumutang sa Senado noong Pebrero 19 upang tumestigo laban kay Quiboloy. Dito niya ibinunyag na binigyan ni Quiboloy ng mga baril si Duterte at ang anak nitong si Bise Presidente Sara Duterte-Carpio.

Itinanggi naman ng dating pangulo ang pahayag ni Rene.

“Kami magtanggap ng baril kay Pastor Quiboloy? Ako pa mag-deliver sa kanya ng kanyon bukas o machine gun,” saad ni Duterte.

“Bakit man si Pastor ang magbigay ng baril sa akin. Saan man siya magkuha? Kung magsabi siya na wala siyang baril, bigyan ko siya,” dagdag pa nito.

Nauna nang nagsalita si Duterte-Carpio hinggil sa mga alegasyon ni Rene, na inilarawan niya bilang paninira lamang sa kanya.