Duterte drug war sa Davao, nagbabalik! 7 drug suspects tumba

Pito katao na pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na droga ang napatay sa Davao City nitong weekend, matapos ideklara ni Mayor Baste Duterte ang war on drugs sa lungsod.

Pito katao na pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na droga ang napatay sa Davao City nitong weekend, matapos ideklara ni Mayor Baste Duterte ang war on drugs sa lungsod.

Noong Biyernes ay nagbanta si Baste na papatayin ang mga drug pusher kung hindi sila aalis ng lungsod.

Ilang oras lamang matapos ang deklarasyon ni Baste ay kaliwa’t-kanag buy-bust operation ang ikinasa sa Davao City, kung saan pito ang naitalang patay. Ayon sa pulisya, nanlaban ang mga ito at hindi agad sumuko sa mga pulis.

“Ang DCPO (Davao City Police) ay laging nagpapaalala sa mga taong involved sa operasyon ng ilegal na droga na huminto na at kung aarestuhin man, dapat kusang sumurender at di manlaban kasi handang mag protekta ang ating mga kapulisan sa kanilang sarili para ma protektahan din ang maraming Dabawenyo na ang hangad ay ligtas na pamayanan para sa kanilang pamilya,” saad ni DCPO spokesperson Police Captain Hazel Tuazon sa ulat ng ABS-CBN News.

Ang ama ni Baste na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay nakilala sa buong mundo sa kanyang magdugong kampanya kontra droga.