Duterte binuking si Quiboloy: Nasa Davao lang!

"Nandyan lang 'yan." - Ito ang ipinahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong linawin na hindi niya itinatago ang kaibigan na si Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy.

“Nandyan lang ‘yan.” – Ito ang ipinahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong linawin na hindi niya itinatago ang kaibigan na si Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy.

“Nasa bahay ko? Look, magkain lang ako pagkatapos [pero] mag uwi ako. Magsama tayo doon sa bahay ko…. Ibuhos ko na lang ang pera ko para maligaya kayo kung makita niyo si Quiboloy sa bahay ko,” wika ni Duterte sa isang press conference.

Ayon kay Duterte, maaari umanong nagtatago lang sa isa sa mga ari-arian sa Davao ang pastor.

“Malaki lang ang Tamayong. Let me educate all of you — ang Tamayong malaki ‘yan, sa loob maraming bahay. Make sure na sa isang bahay ay nandyan siya because for every bahay it should be different search,” dagdag pa nito.

May warrant of arrest nang inilabas ang Davao regional trial court para kay Quiboloy dahil sa kasong child abuse.