Duterte, Bato, imbetado sa pagdinig hinggil ng Kamara sa EJK!

Iniimbitahan ng House Committee on Human Rights si dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Ronald "Bato" dela Rosa sa susunod na pagdinig sa Kongreso kaugnay sa umano'y drug war sa ilalim ng administrasyon ni Duterte.

Iniimbitahan ng House Committee on Human Rights si dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa susunod na pagdinig sa Kongreso kaugnay sa umano’y drug war sa ilalim ng administrasyon ni Duterte.

Ayon kay Manila Representative Bienvenido Abante, ang chairman ng komite, ipapaalam nila kay Duterte at Bato ang susunod na pagdinig. Subalit, nasa desisyon ng mga opisyal kung sasama sila.

“What I can promise… is that we will be informing again Sen. dela Rosa in the next hearing and maybe he would like to attend. Sabihin natin dun na if he would like to come, you are welcome,” ani Abante.

“We’re going to inform the former President of this hearing.Nasa kaniya na ‘yun kung pupunta siya or hindi. We would like to give full respect to the former President. Although he might not be exempt from this investigation, yet, I think that we should give full respect to the former President for being a public official also,” dagdag ng mambabatas.

Tugon ito ni Abante sa punani Kabataan party-list lawmaker Raoul Manuel na kinakailangan ang presensya ni Duterte at dela Rosa sa mga pagdinig sa Kongreso.

Matatandaan na itong Miyerkules, sinimulan ng komite ang imbestigasyon sa umano’y mga EJK sa ilalim ng bloody war on drugs. Ayon kay abogado Chel Diokno, mahigit 20,000 katao ang namatay sa kampanya laban sa droga batay sa 2017 year-end accomplishment report ng administrasyon ni Duterte.

Nanawagan naman si Abante sa mga biktima ng EJK na lumabas at sumali sa House probe.