Duque, Lao swak sa graft sa biniling P41B COVID supply

Ipinag-utos ng Ombudsman ang pagsasampa ng kasong graft kina dating Health Secretary Francisco Duque III at dating Budget Undersecretary Christopher Lao kaugnay ng mga iregularidad sa pagbili ng P41 bilyon halaga ng COVID supply noong 2020.

Ipinag-utos ng Ombudsman ang pagsasampa ng kasong graft kina dating Health Secretary Francisco Duque III at dating Budget Undersecretary Christopher Lao kaugnay ng mga iregularidad sa pagbili ng P41 bilyon halaga ng COVID supply noong 2020.

Sa desisyon na inilabas ngayong Biyernes, idineklara ng Ombudsman na hindi tama ang paglipat ng Department of Health (DOH) ng P41 milyon sa DBM Procurement Services (PS-DBM) na pinamumunuan ni Lao.

Ayon sa korte, ang PS-DBM ay maaari lamang bumili ng common use supplies (CSE). Ito ang tawag sa mga kagamitang nasa Electronic Catalogue ng PS-DBM na regular na ina-update upang masakop lahat ng kagamitang karaniwang ginagamit sa pamahalaan.

Gayunman, hindi umano maituturing na CSE ang mga COVID-19 supply.

“In fact, a 25 March 2020 announcement in the Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS), which serves as the central portal for all procurement information and activities of the Philippine Government, showed that PPEs (personal protective equipment), testing kits and other CSE included items were not available in the PS-DBM,” paliwanag pa ng Ombudsman.

“Thus, the technical condition set by the CSE definition was not met in this case. Worth stressing is the fact that the advisory is consistent with Lao’s testimony [during the Senate hearing] as to the lack of medical items in the PS-DBM’s inventory,” dagdag pa nito.

Ang nangyari, napatagal lang ang pagbili ng mga COVID supply, kahit pa pwede namang rumekta ang DOH sa mga supplier.

Bukod sa kasong graft, hinatulan din ng Ombudsman ng guilty sina Duque at Lao sa mga kasong administratibo na grave misconduct at conduct prejudicial to the service.