Du30, laos na; People power threat kay PBBM, ‘di na kaya – Trillanes

Lipas na ang karisma ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanang Pilipino.

Lipas na ang karisma ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanang Pilipino.

Ito ang iginiit ni dating Senador Antonio Trillanes IV matapos aniya langawin ang prayer rally na pinangunahan ng kampo ni Duterte noong Linggo sa Cebu City.

Sa isang X (Twitter) post, sinabi ni Trillanes na hindi na kaya ni Duterte magsimula ng isang “people power” para patalsikin si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

“Can he mobilize a people power to oust BBM? Apparently, not anymore. Back in 2016, he was able to fill up Quirino Grandstand without any mobilization. Naiiyak pa ang mga tao sa mga antics nya. Ngayon, suya na,” sabi ni Trillanes.

Hindi na rin aniya kaya ng dating pangulo na humatak ng suporta para pigilan kung may lalabas na warrant mula sa International Criminal Court (ICC) laban sa kanya.

Wala na rin umanong kakayahan si Duterte na maghakot ng mga tagasuporta para sa kanyang mga campaign rally kung tatakbo itong Senador sa 2025

Sa survey kung saan pangatlo pa rin si Duterte sa senatorial race, pinaliwanag ni Trillanes na malayo na ang bilang ng supporters ng dating pangulo ngayon kumpara noong 2022 bago ito bumaba sa pwesto.

“Drastically, humina na ang suporta sa kanya. Objectively, pwede pa rin syang manalo KUNG walang ICC warrant na lalabas. Pero kung may ICC warrant, malabo na kasi either maaaresto sya o magtatago sya,” dagdag ni Trillanes.

Nahaharap si Duterte sa imbestigasyon ng ICC hinggil sa mga human rights abuses ng drug war ng kanyan administrasyon.