DTI yayariin Taragis owner ‘pag walang promo permit ang April Fools’ prank

Malalagot ang Taragis Takoyaki owner na si Carl Quion sa Department of Trade and Industry (DTI) kapag napatunayang walang promotional permit ang kanyang isinagawang April Fools' prank.

Malalagot ang Taragis Takoyaki owner na si Carl Quion sa Department of Trade and Industry (DTI) kapag napatunayang walang promotional permit ang kanyang isinagawang April Fools’ prank.

Ayon sa ahensya, kung ang intensyon ng ginawang prank ay mang-engganyo ng mga customer, ito ay maaring ikonsidera bilang brand promotion.

Dahil dito, kapag hindi nakapagpakita ng promotional permit si Quion ay maaari umano itong panagutin.

“Kung inaamin niya na marketing gimmick ‘yan, na ang intensyon ay para mang-engganyo na i-patronize ‘yung brand nya, sumikat ‘yung kanyang establishment, or kumbaga, para lalong dumami ang sales nila, so lumalabas na para talaga siyang promotional in that sense,” pahayag ni Trade Assistant Secretary Amanda Nograles.

“At kung wala silang DTI permit, pwede silang papanagutin ng DTI ng violation ng conducting ng promotion without securing first a DTI sales promo permit,” dagdag pa nito.

Matatandaang kamakailan ay nag-viral ang ginawang pagpapa-tattoo ng isang lalaki sa logo ng Taragis sa kanyang noo kapalit ng P100,000. Subalit sinabi ni Quion na ito ay isang April Fools’ prank lamang.

Dahil dito, marami sa mga netizen ang nagalit sa naturang owner. Ngunit kalaunan ay inamin din ni Quion na scripted lang ang lahat at kasabwat nito ang nagpa-tattoo.