DTI, pakikilusin ang mga price monitor nito laban sa retailers, traders na hindi susunod sa takdang presyo ng bigas

Nagpahayag ng buong suporta ang Department of Trade and Industry (DTI) sa ipinalabas na takdang presyo ng bigas na nakapaloob sa Executive Order No. 39 na inilabas ng Palasyo, Biyernes ng umaga, ika-1 ng Setyembre.

Nagpahayag ng buong suporta ang Department of Trade and Industry (DTI) sa ipinalabas na takdang presyo ng bigas na nakapaloob sa Executive Order No. 39 na inilabas ng Palasyo, Biyernes ng umaga, ika-1 ng Setyembre.

Sa isang pahayag, sinabi ni DTI Secretary Alfredo E. Pascual na handa ang buong kagawaran na gamitin ang kanilang makinarya upang siguraduhin na tama ang pagpapatupad ng pagtakda sa presyo ng bigas.

“In our commitment to making it accessible and affordable, the DTI supports the implementation of Executive Order No. 39 on the imposition of mandated price ceilings on rice which takes effect today, September 1, 2023,” sinabi ni Pascual sa isang kalatas.

“As provided in the EO, we will perform our monitoring and enforcement functions in collaboration with the Department of Agriculture and other concerned agencies,” dagdag pa ni Pascual.

Kabilang ang DTI sa mga ahensiya na nag-rekomenda sa pangulo na ipatupad ang pagtakda sa presyo ng bigas na patuloy na tumataas sa mga nakalipas na buwan.

Itinakda ang presyo ng regular milled rice sa P41 kada kilo, habang P45 kada kilo naman ang presyo ng well-milled rice. Saad ng DTI, hindi kasama sa takdang presyo ang mga special at premium rice.

Paliwanag ni Pascual, base sa average rice prices sa nakalipas na tatlong buwan mula Mayo hanggang Hulyo ang mga price ceilings, sangayon sa Section 8 ng Republic Act No. 7581 o ang Price Act. Kinumpirma naman ang mga takdang presyo sa pamamagitan ng cost analysis.

“The price ceiling is aimed at protecting Filipino consumers from unfair and exploitative pricing practices,” saad ni Pascual. “Both the DTI and the broader Philippine government are focused on safeguarding lower-income families and vulnerable communities, who are most affected when prices of essential goods surge unexpectedly.”

“We recognize the urgency of addressing the escalating rice prices in the market. In parallel, it is imperative to maintain stringent oversight over rice pricing and supply to preclude any potential hoarding and price manipulation by traders and retailers,” dagdag pa niya.

Ayon kay Pascual, pakikilusin niya ang mga tauhan ng DTI tulad ng mga price monitors upang bantayan ang presyo, kasabay ang pakikipagugnayan sa mga local government units upang pulungin ang kani-kanilang mga local price coordinating council.

“In addition, the DTI will collaborate with the Philippine Competition Commission to undertake measures against cartels and other entities that manipulate prices, thereby ensuring the welfare and protection of consumers,” ani Pascual. “We urge all consumers to participate in this effort actively.”

Hinikayat ng DTI chief ang publiko na i-report sa kagawaran ang anumang paglabag sa takdang presyo ng bigas.