DTI: ‘No video, no refund’ policy ng online sellers, iligal!

Labag sa batas ang pagpapatupad ng “no video, no refund policy.”

Labag sa batas ang pagpapatupad ng “no video, no refund policy.”

Ito ang mariing paalala ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga online seller.

Ayon kay DTI Assistant Secretary Amanda Nograles, ang no return, no refund, o exchange policy ay pasok sa “deceptive, unfair, and unconscionable sales acts or practices,” na paglabag sa Republic Act 7394, o ang Consumer Act of the Philippines.

“Kapag ‘yung item ay depektibo, bukod sa ibalik yung item, may option din siya na humingi ng replacement o pwede rin siyang humingi ng full refund ng item na binili niya, pwede rin niyang ipa-repair,” ani Nograles.

Ang deceptive sales acts ay maaaring mangyari bago, kasalukuyan o matapos ang pagbebenta, paliwanag ni Nograles, na supervising head din ng DTI Consumer Protection Group.

“Isang halimbawa ‘yan ng deceptive sales act yung nagpapa-video ka bago tanggapin ‘yung item,” anang opisyal.