DSWD, umayuda sa pamilyang naapektuhan ng engkwentro sa CamSur

Nagpamahagi ang Department of Social Welfare and Development 5 (DSWD-Bicol) ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng naganap na engkwentro sa pagitan ng militar at rebelde sa Camarines Sur.

Nagpamahagi ang Department of Social Welfare and Development 5 (DSWD-Bicol) ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng naganap na engkwentro sa pagitan ng militar at rebelde sa Camarines Sur.

Matatandaang noong Marso 4 ay nagsagawa ng operasyon ang mga militar laban sa New People’s Army (NPA) na naghahanda ng pag-atake bago ang anibersaryo nito.

Ayon kay DSWD disaster risk reduction management division information officer Carl James Cabarles, nakapagpamahagi ang ahensya ng pagkain at hygiene at sleeping kits.

“This is the second tranche of assistance given by DSWD-Bicol. The first was given last March 4, hours after the incident. We provided family food packs and hygiene kits worth PHP68,000 and the second was yesterday (March 12) as additional relief assistance, including FFPs and essential non-food relief items such as sleeping kits and family kits worth of PHP291,209,” ani Carbarles.

Nasa kabuaang 145 pamilya o 725 indibidwal mula sa Brgy. Santa Rita at Bagong Silang sa bayan ng Del Gallego ang nakatanggap ng ayuda na may kabuuang halagang mahigit P300,000.