DSWD umayuda sa mga nasunugan sa Iriga

Nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V sa mga business owners na nasunugan ng pwesto sa Iriga City Market sa Camarines Sur.

PHOTO FROM DSWD

Nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V sa mga business owners na nasunugan ng pwesto sa Iriga City Market sa Camarines Sur.

Sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program, abot sa P1.6 million na tulong ang pinaabot sa 84 beneficiaries.

Bawat store owner ay nakatanggap ng P20,000 mula sa DSWD para makatulong na makapagsimula ulit sila sa kanilang negosyo.

Bukod sa ayuda, nakakuha na rin ng mga food pack at iba pang essential ang mga naapektuhang pamilya ng sunog mula sa Disaster Risk Management Division (DRMD).

Sa ilalim naman ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ay nabigyan ng P10,000 ang mga beneficiaries.

Nangyari ang sunog na umabot sa fourth alarm noong February 2, kung saan tinatayang lampas 100 stall ang naapektuhan.