DSWD umayuda sa mga mangingisda ng Camarines Norte

Nagpamudmod ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development Region 5 (DSWD-5) sa mga mangingisda ng Camarines Norte na apektado ng shear line.

Nagpamudmod ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development Region 5 (DSWD-5) sa mga mangingisda ng Camarines Norte na apektado ng shear line.

Umabot sa 953 na mangingisda ang tumanggap ng tig-P3,000 mula Pebrero 26 hanggang 29.

Hindi maka-byahe ang mga mangingisda dahil sa shear line. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, ang shear line ay ang paghahalo ng malamig na amihan at mainit na easterlies, na nagdudulot ng malalaking alon sa karagatan.

“Each beneficiary received cash aid after their livelihood was affected by adverse weather conditions caused by the shear line disturbance. This assistance aims to support their daily needs while they cannot fish due to continuous inclement weather in their town,” pahayag ni Jastine Joy Dichoso Escuro, isang opisyal ng DSWD-5.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga mangingisda sa natanggap nilang tulong.