DSWD umayuda sa mga estudyante sa CamSur

Nakatanggap ang 1,200 mag-aaral sa Camarines Sur ng tulong pinansyal mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development's (DSWD).

Nakatanggap ang 1,200 mag-aaral sa Camarines Sur ng tulong pinansyal mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD).

Nanguna sa pamimigay ng assistance sa mga benepisyaryo sa municipal covered court sa Libmanan sina DSWD-Bicol Director Norman Laurio, Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte, at Senadora Imee Marcos.

Ayon kay DSWD-Bicol information officer Marygizelle Mesa, nasa kabuuang P6 milyon ang naipamahagi sa mga estudyante.

Layon ng AICS program na mabigyang suporta ang indibidwal na makabangon sa mga di-inaasahang krisis, tulad ng sakit o kamatayan ng isang miyembro ng pamilya at iba pang parehong sitwasyon.