DSWD titiyakin sapat supply ng pagkain para sa apektado ni ‘Aghon’

Sinigurado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magkakaroon ng sapat na supply ng pagkain para sa maaapektuhan ng Tropical Depression Aghon.

Sinigurado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magkakaroon ng sapat na supply ng pagkain para sa maaapektuhan ng Tropical Depression Aghon.

Kamakailan kasi ay isinailalim ng the Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang 18 lugar sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1. dahil sa naturang bagyo.

“The DSWD Field Office 8 (Eastern Visayas) has a stockpile of 11,363 boxes of FFPs while the CARAGA Regional Office has 32,000 FFPs prepositioned in Surigao del Norte and the Dinagat Islands,” ani DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao.

Samantala, sinabi ng DSWD na may higit sa 199,000 FFP boxes sa National Resource and Logistics Management Bureau’s National Resource Operations Center.

Dagdag pa riyan ay may mahigit 60,200 FFPs ang nakaimbak sa Cebu City.