DSWD sinuportahan mga sexual abuse, trafficking survivors

Patuloy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagsisikap na na protektahan ang mga Pilipino mula sa sekswal na pang-aabuso, pagsasamantala, at trafficking.

Patuloy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagsisikap na na protektahan ang mga Pilipino mula sa sekswal na pang-aabuso, pagsasamantala, at trafficking.

Kaya naman nitong Huwebes, nagbigay ang ahensya ng iba’t ibang interbensyon sa kabuuang 2,024 biktima ng Trafficking in Person (TIP) noong 2023.

Sa mga natulungan, 824 dito ang lalaki habang nasa 1,197 ang babae.

Nasa 16 naman ang kabilang sa edad na 0 hanggang 6 taon; 101 ay 7 hanggang 12 taong gulang; at 203 ay 13 hanggang 17 taong gulang.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Irene Dumlao, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay bumubuo sila ng komprehensibong aksyon para mabigyan ng panibagong pag-asa ang mga biktima.

“We at the DSWD reaffirm our commitment to protect the welfare of these vulnerable children. We recognize the urgency of President Ferdinand R. Marcos Jr.’s directive to implement a comprehensive and intensive action plan to combat OSAEC and CSAEM,” ani Dumlao.