DSWD sasaklolohan mga pamilyang apektado sa engkwentro ng militar, NPA sa Albay

Namahagi ng food packs at ilang kagamitan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 5 sa mga pamilyang apektado sa engkuwentro sa pagitan ng government troops at ng New People's Army (NPA).

Namahagi ng food packs at ilang kagamitan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 5 sa mga pamilyang apektado sa engkuwentro sa pagitan ng government troops at ng New People’s Army (NPA).

Nakapagbahagi ang ahensya ng P666,000 halaga ng pagkain, hygiene at sleeping kits noong Marso 30 hanggang Abril 20.

“With direct supervision by DSWD-Bicol Regional Director Norman Laurio, we provided essential supplies, such as family food packs, hygiene and sleeping kits, and psychological support services to the affected families. The families were from Barangays Villa Paz and San Vicente in Jovellar, Albay,” saad ni DSWD disaster risk reduction and management division information officer Carl James Cabarles.

Ayon sa datos ng DSWD, nasa 380 na indibidwal ang namamalagi sa dalawang evacuation center sa kada barangay sa naturang lugar.

Kaya naman, sinabi ni Cabarles na patuloy ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang lokal na pamahalaan ng Jovellar sa pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya para masiguro ang kaligtasan ng bawat pamilya.

“We are monitoring the situation on the ground with proper coordination with the Armed Forces of the Philippines (AFP), the local government unit (LGU) Jovellar, and other concerned agencies,” dagdag pa nito.