DSWD: P40.9B pinamigay sa 6.5M nangangailangang ‘Pinoy noong 2023

Mahigit P40.9 bilyon ang ipinamahagi sa mahigit 6.5 milyong benepisyaryo sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong 2023.

Ayon sa departamento, ang halaga ng tulong na inilabas sa ilalim ng AICS program ay kumakatawan sa 98.5% utilization rate ng pondo na nagkakahalaga ng mahigit P41.5 milyon.

Sa talaan ng DSWD, mayroong 6,587,667 benepisyaryo na nakatanggap tulong sa gobyerno noong nakaraang taon, habang umabot sa P40,944,126,537.24 ang ipinamahaging ayuda.

Ang AICS ay regular na programa ng DSWD na nagbibigay tulong para sa mga serbisyong medikal, libing, transportasyon, edukasyon, pagkain at iba pang suporta para sa mga Pilipinong dumaranas ng krisis, sa mga aksidente, o matinding kahirapan.