DSWD, namigay ng ayudang pagkain, gamit sa mga nasalanta ng bagyo, habagat sa Metro Manila

Namahagi ng ayuda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residenteng apektado ng baha sa Metro Manila kamakailan.

Namahagi ng ayuda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residenteng apektado ng baha sa Metro Manila kamakailan.

Sa isang kalatas, sinabi ng kagawaran na namahagi ito ng 1,685 family food packs sa mga binahang residente ng 1st at 4th District ng Lungsod Quezon, habang 390 family food packs naman ang pinamigay sa mga residenteng binaha sa 5th District ng Maynila.

“The DSWD is in coordination with other LGUs for their needed assistance. We are also currently arranging the FFPs and other relief items to be delivered to the 3rd District of Manila and Caloocan City,” pahayag ni DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez sa isang kalatas.

Aabot sa 1,278 na pamilya ang apektado ng baha dulot ng mga Bagyong Goring at Hanna, na nagpalakas rin sa Habagat.

Samantala, namahagi rin ang DSWD ng mga food pack, at hygiene, sleeping, at kitchen kits sa mga residenteng nasunugan sa Las Piñas at Culiat, Lungsod Quezon.

Giit ng DSWD, handa ang ahensiya na magpalabas ng agarang tulong para sa mga nasalanta ng sakuna, sa pakikipagtulungan ng mga local government units. Hinihikayat ng kagawaran ang mga local government units na makipagugnayan kaagad sa mga Field Offices nito para sa agarang pagbabahagi ng tulong para sa mamamayan.