DSWD namigay ayuda sa 3K estudyante sa Albay

Nakatanggap ang mahigit sa 3,600 senior high school at tertiary students mula sa lalawigan ng Albay ng tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nakatanggap ang mahigit sa 3,600 senior high school at tertiary students mula sa lalawigan ng Albay ng tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nitong Lunes, marami sa mga mag-aaral ang nakinabang sa cash asisstance ng ahensya sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Katuwang ng DSWD sa pamamahagi ng tulong ang Ako Bicol Partylist sa San Pedro Community College sa Bacacay.

“This will be a three-day activity that will benefit more than 3,600 from the first district of Albay,” pahayag ni Ako Bicol Party-list Rep. Raul Angelo Bongalon.

Bukod pa riyan, maglalaan din ng pondo para sa Tulong-Dunong Program, Tertiary Education Subsidy, at Student Monetary Assistance for Recovery and Transition ng Commission on Higher Education.

Ang AICS program ay sumusuporta sa pag-recover ng mga indibidwal at pamilya sa mga hindi pagkasakit o kamatayan ng isang miyembro ng pamilya, at iba pang katulad na sitwasyon.