DSWD nagbigay-pugay sa 1.5M babaeng volunteer

Kinilala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang abot sa 1.5 milyong babae na volunteer na tumutulong sa programa ng ahensya.

Kinilala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang abot sa 1.5 milyong babae na volunteer na tumutulong sa programa ng ahensya.

Ayon kay DSWD spokesperson Romel Lopez, ang mga women volunteer ay malaki ang ambag sa kanilang mga programa tulad ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS).

“Malaki ang tiwala ng DSWD sa lakas ng mga kababaihan. Ang kanilang lakas ang nagsisilbing gabay patungo sa isang mapagpalaya, mapagkalinga at progresibong lipunan,” ayon kay Lopez kasabay ng pagdiriwang ng International Women’s Day noong Biyernes.

Isa sa volunteer sa DSWD ay si Mennie Bongcay, 72-anyos na residente ng Cabusao, Camarines Sur.

Aniya, hindi sagabal ang kanyang edad para makatulong pa siya sa kapwa.

“Para makatulong at matuto pa din sa iba’t-ibang aspeto ng paggawa ng proyekto ng barangay kahit na nasa ganitong edad na ako, na 72 years old,” wika ni Bongcay.

Samantala, siniguro din ni Lopez na kanilang tututukan ang mga programa para sa kababaihan.

“DSWD is very grateful to our women volunteers. Rest assured that we will continue to improve our programs and services to strengthen and give you more opportunities to help your communities to grow,” saad ng tagapagsalita ng DSWD.