DSWD nagbabala sa 4Ps ayuda scam

Binalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na mag-ingat sa mapaglinang na Facebook post na nagsasabi ng may schedule na ng pamimigay ng ayuda sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Binalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na mag-ingat sa mapaglinang na Facebook post na nagsasabi ng may schedule na ng pamimigay ng ayuda sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

“The Department wishes to clarify that this information did not come from any of our official channels and may cause confusion among 4Ps beneficiaries,” pahayag ni DSWD spokesperson Irene Dumlao.

Ayon kay Dumlao, hindi isinasapubliko ng DSWD ang mga impormasyon ng benepisyaryo bilang pagtalima na rin sa Data Privacy Act of 2012.

“All official announcements, including payout schedules for the 4Ps program, are also disseminated through the official page of 4Ps: (https://www.facebook.com/DSWDPantawidPamilya),” pahayag ni Dumlao.

Paliwanag pa ni Duao, direktiba ng inaabisuhan ang mga benepisyaryo nhshecule ng payout sa tulong na rin ng City/Municipal Links (C/MLs), at Parent Leaders (PLs).

Awtorisado rin aniya ang Landbank of the Philippines na mag-anunsyo ng schedule sa pamamagitan ng kanilang Facebook page.

“We understand the critical role the 4Ps grants in supporting our beneficiaries. We urge everyone to be vigilant against any disinformation or misinformation and to always check our official social media platforms for updates,” pahayag ni Dumlao.

Pakiusap ni Dumalo sa mga benepisyaryo, mag-check sa mga official sources para masiguro na tama ang impormasyon.